Bahagi ng Roxas Boulevard isasara kada Linggo ng umaga

Simula Mayo 26 ay isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila tuwing Linggo ng umaga.

Simula Mayo 26 ay isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila tuwing Linggo ng umaga.

Ang isasara ay ang kahabaan ng Padre Burgos papuntang Quirino Avenue tuwing alas-5 hanggang alas-9 ng umaga tuwing Linggo. Ito ay alinsod sa programa ng lokal na pamahalaan ng Maynila na “Move Manila-Car Free Sundays”.

“We will make Roxas Boulevard partly car-free starting May 26, Sunday. I personally inspected Roxas Boulevard to make sure the road will be ready for the people who will exercise,” pahayag nni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Ang layunin ng ordinansa ay upang maengganyo ang publiko na mag-ehersisyo tuwing Linggo ng umaga. Bukod dito, naglalayon din ito na mapalaganap ang turismo sa Manila Bay.

“People will experience a different perspective of Roxas Boulevard. They will have more time to appreciate its beauty and significance while walking, jogging, running, and biking, instead of the sights going by like a blur while riding any vehicle,” dagdag pa ng alkalde.