Bahagi ng paanan ng Mt. Mayon, nasunog

Nasunog ang bahagi ng paanan ng Bulkang Mayon noong Sabado.

Nasunog ang bahagi ng paanan ng Bulkang Mayon noong Sabado.

Ayon sa ulat, ang grassfire ay sumiklab sa damuhang sakop ng mga barangay ng Lidong, Sto. Domingo, at Padang sa Legazpi City, Albay.

Nagtagal umano ng 12 oras bago naapula ang grassfire. Hinala ng mga awtoridad, tinapong sigarilyo o pagkakaingin ang pinagmulan ng apoy.

Sa pagtataya ng mga bumbero, nasa isang hektarya ang damuhan na nasunog.

Patuloy namang nakabantay ang mga awtoridad sa lugar.