Bahagi ng Kamuning flyover 11 buwan isasara

Masikip na daloy ng trapiko ang sasalubong sa mga motorista simula Abril 25 kaugnay sa pagsasaayos ng bahagi ng Kamuning flyover sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City.

Masikip na daloy ng trapiko ang sasalubong sa mga motorista simula Abril 25 kaugnay sa pagsasaayos ng bahagi ng Kamuning flyover sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasailalim sa retrifitting ang ilang bahagi ng southbound lane ng naturang istruktura.

Kinakailangan umano ito upang ihanda ang flyover sa isang malakas na lindol.

“We need to retrofit it to prepare for what we call ‘the Big One,’” saad ni Paul Chua, inspector mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Total retrofitting of the Edsa-Kamuning southbound flyover will last for 11 months,” dagdag pa niya.

Taong 1992 nang itayo ang southbound lane ng naturang flyover.

Tiniyak naman ni Chua na hindi maaapektuhan ng proyekto ang biyahe ng EDSA bus carousel.