Bahagi ng junk shop sa Parañaque nilamon ng sunog

Nasunog ang bahagi ng isang junk shop sa Parañaque matapos sumiklab ang apoy sa katabing barracks, nitong Biyernes Santo ng gabi.

Nasunog ang bahagi ng isang junk shop sa Parañaque matapos sumiklab ang apoy sa katabing barracks, nitong Biyernes Santo ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang sunog bandang alas-10 ng gabi, at naideklara rin ang fire out dakong alas-11:33 gabi.

Wal namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naturang insidente, na umakyat sa unang alarma.

Wala ring naitalang pinsala sa ibang imprastraktura, base sa pahayagn ng BFP.

Gayunpaman, patuloy na iimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.