Bagyong Jenny, lumakas pa; Signal No. 1 nakataas na sa bahagi ng Northern Luzon

Itinaas na ng PAGASA ang Signal No. 1 sa mga lugar sa Northern Luzon matapos lumakas pang lalo ang bagyong Jenny. Kabilang sa mga lugar na ito ang Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Isabela, at Apayao.

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Signal No. 1 sa iba pang mga lugar sa Northern Luzon matapos lumakas pang lalo ang bagyong Jenny.

Ayon sa Pagasa, Signal No. 1 na sa mga sumusunod na lugar:

• Batanes

• Cagayan including Babuyan Islands

• Northern and eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas)

• Apayao

• Northern portion of Ilocos Norte (Carasi, Vintar, Burgos, Dumalneg, Bangui, Pagudpud, Adams)

Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan si Jenny na nasa 600 kilometro sa silangan ng Calayan sa Cagayan, at may taglay na peak winds na 140 kilometro kada oras sa gitna nito. Ito ay tumatahak pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Hindi inaasaahan ng PAGASA na aabot sa Signal No. 3 si Jenny, subalit magdadala ito ng pag-ulan at malakas na hangin.