Bagyong ‘Hanna’ lalo pang lumalakas; matinding pag-ulan mas asahan sa mga susunod na araw

Lalo pang lumakas ang Bagyong “Hanna” ngayong araw at patungo na sa typhoon category ayon sa huling pagtala ng PAGASA.

Lalo pang lumakas ang Bagyong “Hanna” ngayong araw at patungo na sa typhoon category ayon sa huling pagtala ng PAGASA.

Namataan ng PAGASA bandang 11 ng umaga nitong Biyernes, ika-1 ng Setyembre, ang sentro ni Hanna 785 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Si Hanna ay may taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro malapit sa gitna, at hanggang 150 kilometro kada oras na bugso ng hangin. Bumabaybay ito nang 20 kilometro kada oras pakanluran at tinatayang lalabas ng Philippine area of responisibility nitong Linggo, ika-3 ng Setyembre.

“Hanna is forecast to move generally west northwestward or northwestward throughout the forecast period,” ayon sa PAGASA. “Hanna is forecast to exit the Philippine Area of Responsibility on Sunday morning.”

Bagaman hindi inaasahang magdadala ng matinding ulan si Hanna, ito at ang papalabas na Supertyphoon Goring ay inaasahang pag-iigtingin pa ang habagat, na kasalukuyan ay nagdudulot ng matinding ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dahil dito, asahan na ang mga pag-ulan sa susunod na tatlong araw, lalo na sa Luzon at Visayas.