Baguio pinakamayamang siyudad sa labas ng NCR – PSA

Ang Baguio City ang siyang pinakamayamang lungsod sa bansa sa labas ng Metro Manila noong 2022, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang Baguio City ang siyang pinakamayamang lungsod sa bansa sa labas ng Metro Manila noong 2022, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa tala ng PSA, pumalo sa P420,016 ang per capita gross domestic product (GDP) ng Baguio sa nasabing taon. Higit na mas mataas ito sa national average na per capita GDP na P178,751.

Ang per capita GDP ay kinukwenta sa pag-hati ng kabuuang GDP ng isang lugar sa populasyon nito. Samantala, ang GDP naman ay tumutukoy sa market value ng mga produkto at serbisyo ng isang lugar. Ito ay isang batayan para matukoy ang pag-unlad ng isang lugar.

Samantala, pumangalawa naman sa Baguio ang Cagayan de Oro City, sa per capita GDP na P343,936, kasunod ang Lapu-Lapu City (P313,039), Iloilo City (P306,444), at ang lalawigan ng Bataan (P297,930).

Pasok din sa top 10 ang Cebu City, lalawigan ng Laguna, Mandaue City, Davao City, at ang lalawigan ng Batanes.