‘Baguio As A Friend’ ulit? Paolo Contis in-unfollow Yen Santos sa IG

Naka-unfollow na rin sa Instagram ang Kapuso star na si Paolo Contis sa kasintahang si Yen Santo.

Naka-unfollow na rin sa Instagram ang Kapuso star na si Paolo Contis sa kasintahang si Yen Santo.

Ito ay sa gitna ng isyu ng hiwalayan.

Una rito, naka-unfollow si Yen kay Paolo at binura ang mga litratong naka-post sa Instagram.

Sa mga naunang panayam, ayaw mag-komento ni Paolo sa tunay na lagay ng relasyon nila ni Yen.

Unang nagkasama sa pelikula ng “A Faraway Land” noong 2021 sina Paolo at Yen habang ka-relasyon pa ng aktor si LJ Reyes.

Nakita sina Paolo at Yen sa Baguio noon pero paliwanag ng aktor, nagtungo sila roon bilang magkaibigan lamang.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Paolo at Yen kung hiwalay na sila.