Bagong Virac bishop magsisilbi na sa Hunyo

Magsisimula na sa kanyang bagong tungkulin si Bishop-elect Luisito Occiano bilang bagong tagapamuno ng mga Katoliko sa Virac.

Magsisimula na sa kanyang bagong tungkulin si Bishop-elect Luisito Occiano bilang bagong tagapamuno ng mga Katoliko sa Virac.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa June 26 pormal na uupo si Occiano bilang Virac bishop.

Ang 52-anyos na pari ay itinalaga ni Pope Francis bilang ikatlong bishop ng Virac noong February 29.

Papalitan niya si Bishop Manolo de los Santos, na nagretiro na matapos ang halos tatlong dekadang pagsisilbi sa mga Katolikong Bicolano.

Bagon maging obispo ay nagsilbi si Occiano bilang parish priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Joseph sa San Jose, Camarines Sur.