Bagong SP sana? Legarda ‘di nasilaw para labanan Zubiri

Tumanggi sa alok si Senator Loren Legarda upang maging kapalit ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri bilang bagong liderato ng mataas na kapulungan.

Tumanggi sa alok si Senator Loren Legarda upang maging kapalit ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri bilang bagong liderato ng mataas na kapulungan.

Sinabi ni Zubiri na “once upon a time” ay inofferan si Legarda upang maging senate president ngunit tumanggi ang senadora bilang respeto sa noong SP at kaibigan na si Zubiri.

“Si Senator Loren Legarda sinabi ko sa kanya true test of character. Alam ko po in-offeran din po siya ng posisyon na ito once upon a time pero tinanggihan niya po. Sabi niya hindi magagawa ito kay Migz Zubiri, sa kanyang Senate President, kaya saludo po ako sa inyo Ma’am,” sabi ni Zubiri.

“Kaya sinabi ko nga doon sa aking speech na many temptations came but you stood fast. That’s a true test of character,” dagdag niya.

Minsan nang nanungkulan bilang pangalawang pinakamataas na senador sa kapulungan o ang Senate President Pro Tempore si Legarda, at isa ang senadora sa mga bumoto kontra sa pagpapatalsik kay Zubiri.