Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa sanitary landfill

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang ina ng bata, ayon sa pulis.

CAMARINES SUR- Isang wala ng buhay na bagong silang na sanggol ang natagpuang patay sa Sanitary Landfill sa lungsod ng Naga, umaga nitong Martes, Setyembre 26, 2023.

Batay sa ulat, isang garbage collector ang nakadiskobre sa sanggol na ibinalot pa sa isang plastic bag. Napansin diumano ng garbage collector na may kakaiba sa plastic bag, ng lapitan, dito na bumongad ang wala ng buhay na sanggol.

Napag-alaman rin ng Naga City Police Station (NCPO) na galing Dimasalang, Bagong Lipunan, Brgy. Sta. Cruz sa Naga City ang mga hinakot na basura kung saan posibleng kasama sa mga nahakot ang itinapon na sanggol.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP upang mapanagot sa batas ang magulang ng sanggol.