Bagong PNP chief ‘di sasantuhin mga pulis na hindi mahiwalay sa cellphone

Nagbabala ang bagong talagang pinuno ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Rommel Marbil sa mga pulis na gumagamit ng cellphone kahit duty.

Nagbabala ang bagong talagang pinuno ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Rommel Marbil sa mga pulis na gumagamit ng cellphone kahit duty.

Saad ni Marbil, hindi niya patatawarin ang sinumang pulis na mahuhuling may cellphone sa oras ng trabaho.

“This is my first and last warning, no cellphone during duties. We need patrol, pagka na huli ka namin nag-cellphone, there will be no forgiveness. Very strict kami diyan,” wika ni Marbil.

“Gusto namin duty, duty, kapag patrol, patrol. Andito ‘yung mga commanders natin. I need beat patrols, gusto ko maramdaman ng tao ‘yung mga pulis natin sa baba,” aniya pa.

Sa kabila nito, batid ni Marbil na maaari pa ring magamit ang cellphone para sa komunikasyon.

Ngunit giit ng hepe ng kapulisan, madaling mahuli ang mga pulis na ginagamit lang ito para sa Facebook o panonood ng videos.