Bagong halal na kapitan sa Naga, arestado dahil sa pananakit umano sa isang binatilyo

Kinatok at sinigawan ng binatilyo ang opisyal habang nasa loob ng sasakyan nito, at nauwi ito sa komprontasyon, ayon sa mga awtoridad.

NAGA CITY- Arestado ang isang 31-anyos na bagong halal na Punong Barangay matapos saktan ang isang 19-anyos na binata malapit sa isang sikat na restobar sa Barangay Dayangdang, Lungsod ng Naga, pasado ala-1:00 ng madaling araw nitong Biyernes, Nobyembre 3, 2023.

Nag-ugat ang insidente matapos na katukin at sigawan ang opisyal sa loob ng kanyang sasakyan at hanggang sa nauwi sa komprontasyon at dito na nanakit ang punong barangay.

Dahil sa mayroong naka-deploy na mga tauhan ng otoridad sa lugar ay agad itong inaksyunan at idinala ang dalawa sa himpilan.

Kaya pinaalalahanan ng awtoridad ang publiko para makaiwas sa kung ano pa man ang pwedeng mangyari kung may mga ganitong pagkakataon.

Sa ngayon, hindi na itinuloy ang pagsasampa ng kaso labang sa supek dahil nagka-ayos naman ang dalawang panig.