Bagong diskarte tayo: Modernisasyon ng AFP, tututok sa EEZ ng bansa

Patuloy ang AFP Modernization Program, pero layon ng Horizon 3 phase nito na tutukan ang kakayahan ng militar na proteksiyunan ng mas mabuti ang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Babaguhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang estratehiya nito sa modernisasyon at mas tututukan ang pagpapalakas ng kapasidad nitong protektahan ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa or 200 nautical miles mula sa baybayin.

Ang nasabing pagbabago ay bahagi ng Horizon 3 ng AFP Modernization Program, ayon kay military chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa isang panayam sa media.

Dagdag pa ni Brawner, ito ang taktikang inirekomenda ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos nitong palitan si Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., na ngayon ay Presidential Peace Adviser.

“Nung dumating si SND (Secretary of National Defense) nakita nya yung Horizon 3, so sabi nya we should revisit it and ‘rehorizon’ yun yung term nya, ‘rehorizon,’” paliwanag ni Brawner.

“So, tiningnan natin, the original Horizon 3 was made prior to the events that happened yung water cannoning, laser pointing mga ganun ganun. Parang ang focus nya was territorial defense in depth ‘yun ‘yung luma na strategy,” dagdag pa niya.