Bagong COVID variant posibleng nakapasok na sa ‘Pinas

May tsansang nakapasok na sa bansa ang FLiRT COVID-19 variant ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante.

May tsansang nakapasok na sa bansa ang FLiRT COVID-19 variant ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante.

Ito’y dahil sa napansin nitong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, mababa pa ang nasa datos ng DOH dahil hindi na lahat ng nakakaramdam ng sintomas ay sumasailam na sa RT-PCR test.

Aniya, base sa datos ng World Health Organization, ang FLiRT COVID variant ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng virus.

“Most likely kasi kung titingnan natin sa WHO report, the Flirt variant or KP.2 most likely it’s the one that is causing 20-30% of the global increase in the COVID cases documented for the month of May,” lahad ni Solante.

Pero saad ni Solante, hindi dapat mabahala ang publiko dahil hindi kasing mapanganib ang bagong variant ng COVID-19.