Bagong botante pumalo sa higit 2.5 milyon

Nadagdagan ng mahigit 2.5 milyon ang mga rehistradong botante sa bansa ilang buwan matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro.

Nadagdagan ng mahigit 2.5 milyon ang mga rehistradong botante sa bansa ilang buwan matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpaparehistro.

Sa tala ng Comelec, 2,548,324 ang mga bagong rehistro na botante. Halos maabot na nito ang 3 milyon na target ng komisyon.

Sa Calabarzon naitala ang pinakamaraming bagong botante, na umabot sa 466,768. Sinundan ito ng National Capital Region (378,553), at Central Luzon (295,635).

Magtatapos ang registration period sa Setyembre 30, 2024.

Para magparehistro, kailangan lamang magtungo sa alinmang tanggapan ng Comelec. Bukas ito mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.