Bago magtaas singil, toll service ayusin! — Gatchalian

Iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat munang mapabuti ang serbisyo sa toll road bago aprubahan at ipatupad ang anumang karagdagang pagtaas ng singil.

Iminungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat munang mapabuti ang serbisyo sa toll road bago aprubahan at ipatupad ang anumang karagdagang pagtaas ng singil.

Inaprubahan na kasi ng Toll Regulatory Board (TRB) ang second tranche ng toll adjustments para sa North Luzon Expressway (NLEX).

Dahil dito, maipatutupad na ang mas mataas na singil sa toll simula Hunyo 4.

Sinabi ni Gatchalian, marami pa ring mga naaabala sa sirang cashless reader at traffic na daanan sa NLEX.

“I pass through NLEX regularly and I know the situation firsthand. People usually complain about the faulty cashless reader and horrible traffic, especially during weekends or holiday breaks when there is a surge of motorists traversing the toll road. Operators of these toll roads should first fix their defective cashless system and implement a program that would ease traffic congestion before any rate hike is adopted,” pahayag ng senador.

“Siguraduhin muna ng TRB na maayos ang pagpapalakad ng mga operator sa NLEX at SLEX bago ito magpasya ng dagdag bayad para sa mga dumadaan dito,” dagdag pa nito.