Bago mag ‘Balikatan’: 2 barko ng China umistambay malapit sa Palawan!

Isiniwalat ng isang US maritime expert na naispatan malapit sa Palawan ang dalawang barko ng China nitong Linggo.

Isiniwalat ng isang US maritime expert na naispatan malapit sa Palawan ang dalawang barko ng China nitong Linggo.

Ayon kay Ray Powell ng Gordian Knot Center for National Security Innovation sa Stanford University, ang dalawang barko mula sa Chinese maritime militia ay namataan sa layong 30 nautical miles mula sa isla ng Palawan.

Matapos umanong maglagi sa naturang lugar ay binaybay ng mga ito ang direksyon papaunta sa Mischief Reef.

“I still have no context for what’s behind this aggression,” saad ni Powell sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Hinala ni Powell, tangka ng China na mang-sindak lalo na’t magsisimula na ang Balikatan Exercises 2024 ngayong Lunes.

“Very odd behavior. Perhaps intended to send a message at the beginning of the Balikatan exercise?” aniya.