Bad kasi naman talaga! Mambabatas todo suporta sa kampanya ng MTRCB laban sa kalaswaan

Sinabi nitong Miyerkules ni House Committee on Human Rights chairperson Bienvenido Abante Jr. na tama at suportado niya ang kampanya ng MTRCB laban sa kalaswaan matapos nitong suspendihin ang 'It's Showtime.'

Ipinabatid ng isang mambabatas ang kanyang suporta sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sinabi ni House Committee on Human Rights chairperson Bienvenido Abante Jr. nitong Miyerkules, Setyembre 6, na suportado niya ang kampanya ng MTRCB laban sa kalaswaan sa telebisyon.

Binigyang-diin rin ni Abante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga palabas sa telebisyon na akma sa pamilyang Pilipino.

“The MTRCB has a mandate to protect Filipino audiences against indecency in our airwaves and to protect our children against obscenity. They did the right thing,” paliwanag ni Abante na, na representante sa Kongreso ng Manila 6th District.

Ang tinutukoy na “right thing” ni Abante ay ang pagpapataw ng ahensiya ng 12 araw na suspensiyon sa ‘It’s Showtime’ matapos umani ito ng mga reklamo dahil sa pagpapakita umano ng kalaswaan.

Dagdag pa ni Abante, makatwiran ang desisyon ng MTRCB na suspindihin ang ‘It’s Showtime’ dahil pinapa-alalahanan nito ang mga producer at artista sa kanilang obligasyon na dapat panatilihing angkop ang kanilang mga palabas sa mga batang manunuod.

Sinabi rin ni Abante na puno na nang kalaswaan ang mga palabas ngayon, kung kaya’t hinikayat nito ang pamahalaan na pag-igtingin pa ang pag-monitor sa mga palabas gaya ng ‘It’s Showtime” at i-promote pang lalo ang mga mabuting asal.