Back to normal na: PBBM tinanggal na ang price ceiling sa bigas

Opisyal nang tinanggal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang price ceiling sa presyo ng bigas simula nitong Miyerkules, Oktubre 4, matapos maobserbahan ng Department of Agriculture ang mga positive indicators gaya ng pagtaas ng suplay ng bigas.

Opisyal nang tinanggal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang price ceiling sa presyo ng bigas. Epektibo ito simula nitong Miyerkules, Oktubre 4.

Tinanggal ng pangulo ang price ceiling batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA), na naobserbahan ang mga positive indicators gaya ng pagtaas ng suplay ng bigas at pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

“Well, I think it’s the appropriate time since namimigay tayo ng bigas. Yes, as of today, we are lifting the price caps on rice, both for the regular milled rice and for the well-milled rice,” ani Marcos sa isang panayam sa media matapos itong mamahagi ng mga rice donations sa Taguig.

Tiniyak naman ni Marcos na patuloy pa ring magbibigay ng tulong ang pamahalaan sa mga nangangailangang mamamayan, partikular na ang mga magsasaka at mga miyembro ng vulnerable communities.