Babu surot, daga! Rehabiltasyon sa NAIA, solusyon sa problema sa paliparan

Inaasahan ng mga mambabatas na mabibigyang solusyon ang mga problema sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gagawing rehabilitasyon dito.

Inaasahan ng mga mambabatas na mabibigyang solusyon ang mga problema sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gagawing rehabilitasyon dito.

Kamakailan lang ay nag-trending ang naturang paliparan dahil sa mga surot sa upuan at pagala-galang mga daga.

Sinabi ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez sa isang press conference ngayong Marso 20, bukod sa mga peste ay malaking suliranin din ang hindi magandang serbisyo sa mga pasahero.

Dahil dito, magiging malaking tulong umano ang P170.6 bilyon na kasunduan sa Public-Private Partnership (PPP) para sa rehabilitasyon ng NAIA.

“I would like to congratulate, of course, (Transportation) Secretary Jaime Bautista on this initiative, together of course our President, President Bongbong Marcos. It will not only give better services to Filipinos but I think it’s a clear sign also for the rest of the country that the Philippines is moving toward the direction of being a first-class, world-class country when it comes to amenities and services,” wika ni Suarez.

Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang modernisasyon ng NAIA ay hindi lamang magdadala ng karagdagang kita para sa gobyerno kundi magbibigay din ng kaginhawaan sa mga pasahero.