Babaeng teacher huling may ka-sex sa classroom

Nasaktuhan na hubo't hubad ang isang babaeng guro at lover umano nito sa isang classroom sa Aringay, La Union.

Nasaktuhan na hubo’t hubad ang isang babaeng guro at lover umano nito sa isang classroom sa Aringay, La Union.

Ayon sa police report, kinilala ang teacher na si Jonnalyn Dolatre, 41, nagtuturo sa Gallano Elementary School.

Habang ang tinuturong kasiping nito ay si Chester Gabin, 40.

Ayon sa mister ng teacher na si Donald Dolatre, nagtungo sila sa eskuwelahan para bisitahin si Jonnalyn bbandang alas-9:30 ng gabi.

Kasama niya ang kanilang menor de edad na anak nang buksan nila ang isang classroom at doon tumambad na magkapatong sina Jonnalyn at Chester sa isang upuan.

Nagpatulong naman si Donald sa barangay para maaksyunan ang kalaswaan ng ginagawa ng kanyang misis at lover nito.

Pag-amin naman ni Donald, hiwalay na umano sila ng kanyang misis, ngunit kakasuhan niya pa rin daw ito pati ang ibang lalaki nito.