Babaeng kaharutan ni Philmar, may gustong aminin?

Matapos ang umere ang interview ni Philmar Alipayo, fiancé ng aktres na si Andi Eigenmann, kay Boy Abunda, tila may pasaring ang nali-link ditong TikTok content creator na si Crissa Liaging.

Matapos ang umere ang interview ni Philmar Alipayo, fiancé ng aktres na si Andi Eigenmann, kay Boy Abunda, tila may pasaring ang nali-link ditong TikTok content creator na si Crissa Liaging.

“Nakakagigil, sarap sabihin ng totoo!”

‘Yan ang laman ng cryptic TikTok video ni Crissa na pinagpiyestahan ng mga netizens at sinabing ito raw ang sagot ng TikTok content creator sa pahayag na hindi raw siya kasama sa mga bet na babae ni Philmar.

Matatandaang nag-viral ang video ni Crissa at ni Philmar noong nakaraang buwan kung saan tila “intimate” na nag-uusap ang dalawa.

Parehas na nilinaw ng dalawang kampo na parehas silang lasing at wala sa katinuan nang mahuli sa camera.

Nagbigay ng panayam si Andi at Philmar kay King of Talkshow Boy Bunda kung sinabi ni Andi na responsableng ama si Philmar sa kanilang mga anak, at may tiwala siya rito dahil alam niya ang mga type nitong babae.

PANOORIN: https://www.tiktok.com/@crishabibi/video/7379442899760516358?is_from_webapp=1&sender_device=pc