Babae nagtangkang magpasagasa sa LRT-1!

Viral ngayon sa social media ang video ng isang babaeng na bumaba at umupo pa sa riles ng LRT-1, habang may paparating na tren.

Viral ngayon sa social media ang video ng isang babaeng na bumaba at umupo pa sa riles ng LRT-1, habang may paparating na tren.

Sa Facebook, umani ng iba’t ibang reaksyon ang nakuhanang video ng pagbaba ng babae sa riles ng Doroteo Jose Station.

Sa kabutihang palad ay agad na nakahinto ang tren at bahagya lang napatumba ang babae.

Ayon sa pahayag ng LRT-1, naganap ang insidente bandang 12:41 ng tanghali.

“A female passenger jumped onto the tracks of LRT-1 while a train was approaching Doroteo Jose Station (southbound),” saad ng LRT-1 management.

Agad namang nakatanggap ng paunang lunas at naisugod agad sa ospital ang biktima, na nagtamo ng kaunting galos.

TINGNAN: