Babae na niligtas alagang aso, nahagip ng tren sa Camarines Sur

Hindi alintana ng isang babae kahit mapeligro ang kanyang buhay para lang mailigtas ang kanyang alagang aso.

Hindi alintana ng isang babae kahit mapeligro ang kanyang buhay para lang mailigtas ang kanyang alagang aso.

Nagawang isalba ng isang 30-anyos na babae ang kanyang alaga sa Brgy. Concepcion Pequeña sa Naga, Camarines Sur.

Ngunit habang nililigtas ng babae ang aso, nahagip naman siya ng umaandar na tren.

Buti na lang at na-sideswipe o nadaplisan lang ang babae at hindi direktang tinamaan ng tren, kaya nagtamo lang ito ng minor injury matapos siya matumba at matamaan ang kanyang ina.

Umaksyon naman ang tauhan ng Philippine National Railway (PNR) para siguruhing ligtas ang mag-ina.

Nanawagan naman ang pamunuan ng PNR sa publiko na mag-ingat sa mga riles para hindi madisgrasya.