Babae na nagpanggap na interpol agent, bistado sa NAIA

Naagapan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na nagpanggap na interpol agent para makaalis ng bansa.

Naagapan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na nagpanggap na interpol agent para makaalis ng bansa.

Ayon kay BI immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) official Bienvenido Castillo III, sinubukan ng isang 34-anyos na babae na sumakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 patungong Bangkok, Thailand.

Nagpanggap na interpol agent ang babae sa ilalim umano ng Protective Intelligence Anti-Crime Organization (PIAO).

Nagpakita ito ng ilang dokumento kasama na ang ID at letter mula sa PIAO na pinapayagan umano siyang bumiyahe para magbakasyon.

Ngunit hindi ito kinagat ng immigration officer at sinalang ang babae sa isa pang masusing inspeksyon.

Doon napag-alaman na biktima ng illegal recruitment ang babae, at in-offeran ito na magtrabaho sa Thailand.

“It was then that she admitted that her documents are fake, and that she was recruited via Facebook to work as a household service worker in Thailand,” ayon kay Castillo.

“Her recruiter reportedly offered her P40,000 salary before giving her the documents,” aniya pa.

Diniretso ang baabe sa inter-agency council against trafficking para sampahan ng kaso ang mga nag-recruit sa kanya.