Babae na kadete, topnotcher sa PNPA

Topnotcher ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2024 “Layag-Diwa” ang isang babaeng kadete.

Topnotcher ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2024 “Layag-Diwa” ang isang babaeng kadete.

Ito ay si Ma. Camille Cabasis mula sa Lian, Batangas.

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang graduation rites kung saan gagawaran ng Presidential Kampilan Award ang babaeng kadete bilang valedictorian.

Nagtapos ng Cum Laude si Ma. Camille sa kursong Criminology at naging top notcher sa Calabarzon noong 2019.

Sa kaniyang panayam sa Pulis News Network, binahagi ni Ma. Camille na nagbenta siya ng siopao para matustusan ang kaniyang matrikula.

“Hindi tayo babae lamang, kung di babae na may magagawa sa lipunan,” wika niya.

Binubuo ang PNPA Class 2024 “Layag-Diwa” ng 182 kalalakihan, 41 kababaihan na mapapabilang sa hanay ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ng Bureau of Fire Protection (BFP).