Babae hinimatay kaya nahulog sa riles ng LRT-1 — MPD

Nilinaw ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Station 3 na hindi tumalon kundi nahimatay ang babaeng nahulog sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 kahapon.

Nilinaw ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Station 3 na hindi tumalon kundi nahimatay ang babaeng nahulog sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 kahapon.

Ayon sa inilabas na police report ng MPD, habang naghihintay sa paparating na bagong ng LRT sa Doroteo Jose pa-Baclaran ay biglang nawalan ng malay ang biktima kaya’t nahulog ‘di umano ito sa riles ng tren.

“While the victim was casually waiting for a train coach passenger platform of the same station bound to LRT Baclaran station, when suddenly experience loss of consciousness causing the victim to fall unnoticeably onto the railways,” sabi sa report.

Dagdag pa rito, may history raw ng hypertension at stroke ang 50-anyos na babae ayon sa kinakasama nito.

“Based on the information gathered from the victim’s live-in partner, the victim had a history of hypertension and stroke,” saad sa report.

Agad namang isinugod ang nasabing biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center at kasalukuyang inoobserbahan pa rin ang kalagayan.