Ayusin na namin, promise! PhilHealth, babayaran ang utang na P27 bilyon sa mga ospital sa loob ng tatlong buwan

Babayaran ng PhilHealth sa loob ng 90 na araw ang utang nito sa mga ospital na nagkakahalaga ng P27 bilyon.

Nangako ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na babayaran sa loob ng 90 na araw ang karamihan sa mga hindi pa nababayarang utang sa mga ospital na nagkakahalaga ng P27 bilyon.

“This is on record. Within 90 days, we will try to pay a very high percentage of the PHP27 billion,” sinabi ni PhilHealth president and CEO Emmanuel Ledesma Jr. sa mambabatas sa pagdinig ng P199-bilyong budget proposal para sa susunod na taon ng Department of Health.

“Based on our discussions with hospital officials yesterday, I am confident that within 90 days from today, majority, if not all, will be paid off,” dagdag pa ni Ledesma, na kasama sa sumalang sa pagdinig ng House appropriations committee na pinamumunuan ni Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co.

Samantala, umabot na sa P13 bilyon ang mga hindi pa nababayarang utang ng PhilHealth sa mga ospital sa loob ng 60 na araw.

Paliwanag ni Ledesma, nagpulong na ang pamunuan ng PhilHealth upang talakayin ang diskarteng gagamitin nito para makapagbayad.

“We are preparing to use the debit credit payment mechanism (DCPM) formula. We will make sure that the reconciliation (of data) will be accelerated,” aniya.

Sinabihan si Ledesma ng mga mambabatas na maraming pasyente na ang tinatanggihan sa mga ospital dahil sa mabagal na pagbayad ng PhilHealth sa kanilang mga obligasyon.

Sumagot naman si Ledesma na kulang-kulang ang mga dokumentong isinusumite sa kanila ng mga ospital kaya natatagalan ang pagproseso ng claims.