Ayudang bigas may pangalan ni Paolo Duterte, pinagpiyestahan online

Ginawang katatawanan ng mga netizens ang ayudang ipinamahagi sa Davao City kung saan ang sako ng bigas ay may nakaimprentang pangalan ni Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte.

Ginawang katatawanan ng mga netizens ang ayudang ipinamahagi sa Davao City kung saan ang sako ng bigas ay may nakaimprentang pangalan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Ito’y matapos batikusin ng ilang mga taga-suporta ng mga Duterte ang kumakalat ng ‘di umanong “Romualdez Rice” na ipinamigay daw sa Tagum City, Davao.

Sa isang post sa X (dating Twitter), makikita na nakalagay sa sako ng bigas ang logo ng Kamara at ang tila nickname ni Paolo Duterte na “Pulong.”

Inuulan tuloy ng batikos ang nasabing ayuda habang marami ang nagsabi na impokrito ang mga taga-suporta ng mga Duterte dahil sila naman ang totoong epal sa pamimigay ng ayuda.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Tapos umuusok mga tumbong nila kapag name ni SMR (Sir Martin Romualdez) ang nakapaskil. Grabe sa kaipokritohan ng DDS.”

“Hayop talaga, rice smuggler ng Mindanao namigay ng rice!”

“Ayun naman pala, pag Duterte pwede, pero sa Romualdez Rice galit na galit sila.”

“Trapong trapo! Well, expected na ‘yan!”

TINGNAN: