Ayuda sa mga nasalanta ng El Niño, pumalo na sa P2B

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes na umabot na sa higit P2 billion ang kanilang naipamahaging tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes na umabot na sa higit P2 billion ang kanilang naipamahaging tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño.

Ginamit ang naturang halaga para sa tulong-pinansyal, mga pataba, at irrigation project.

“Kasama po rito iyong PHP1.065 billion worth of rice farmers financial assistance. Ito iyong PHP5,000 na ipinamahagi natin sa mga magsasaka ng di tataas sa dalawang ektarya,” pahayag ni DA Assistant Sec. Arnel de Mesa.

Tumulong din sa iba pang paraan ang ahensya, gaya ng pamamahagi ng alagang hayop, pagbukas na alternatibong mapagkakakitaan sa mga mangingisda, at cloud seeding operation.

Ani De Mesa, pumalo na sa P4.39 bilyon ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

“Hardest hit, ang Mimaropa at PHP1.7 billion and then followed by Western Visayas at PHP1.02 billion,” aniya.