Ay, palabiro rin pala si Papa P! Pagbuo ng pamilya, malayo pa sa isip ni Piolo Pascual

Wala pang balak si Piolo Pascual na bumuo ng pamilya. Bagkus, nakatuon ang pansin nya sa kaniyang karera na makinang pa rin.

Pabirong sinabi ng sikat na aktor na si Piolo Pascual na magkakaroon siya ng sariling pamilya kapag nagpatuli na siya.

Sa press conference na ginanap sa Kao Manila nitong Sabado, Oktubre 21, tinanong si Papa P kung may plano pa ba siyang balak mag-settle down o bumuo ng pamilya.

“I guess, in time. Siguro ‘pag tuli na ‘ko. Joke lang. Kapag malaki na po ako. Now kasi bata pa ko e,” natatawang saad niya.

Dagdag pa niya, “Most promising ako ‘di ba sa showbiz? ‘Pag nag-settle na ‘ko. Ang dami ko kasing labada e. Wala pa talaga kong time para diyan.”

Sa ngayon, aniya ay na sapat na ang kanyang anak na si Iñigo.

Umaasa naman siya na magiging handa ang lahat sa oras na mahanap na niya ang kanyang “The One.”