Ay naku, AI! DOJ sa Kamara: Pag-aralan na ang epekto at solusyon kontra deep fake

Dapat pag-aralang mabuti ng Kamara kung paano tutugunan ang mga maaaring masamang epekto ng artificial intelligence, ayon sa isang opisyal.

Hinimok ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla ang Kamara na pag-aralan nang mabuti kung paano tutugunan ang mga maaaring masamang epekto ng artificial intelligence (AI).

Isa na rito, ayon kay Remulla, ay ang paggamit ng AI para sa paggawa ng tinatawag na deep fake, na siya namang ginagamit ng mga kawatan sa online sexual abuse ng mga bata at kabataan.

Ayon rin kay Remulla, una nang iniulat ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang mga insidente sa ibang bansa ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) na gamit ang AI.

“To be more thorough about it, we should ask Congress to look into this matter of AI use and kinds of specific offenses that we can charge against the people who use AI to achieve the desired effect,” ani Remulla.

Inamin naman ni CWC Undersecretary Angelo Tapales na mahirap sugpuin ang mga kaso ng OSAEC, lalo na kung gamit pa ang AI. Kanya naman nais na ni Remulla na pag-aralan na ito ng Kamara.

“Ang AI kasi is only a tool. Human beings [who] use AI to get what they want, achieving what they want, in violation of the law, have to be punished. I think it’s a very important and urgent thing to talk to Congress about the legal reform in this regard,” paliwanag pa niya.