Awww! Bea Alonzo naiyak nang sorpresahin ng mga kasambahay nitong Valentine’s

Hindi napigilin ni Bea Alonzo ang kanyang emosyon nang sorpresahin siya ng kanyang mga katulong sa bahay nitong Valentine’s Day.

Hindi napigilin ni Bea Alonzo ang kanyang emosyon nang sorpresahin siya ng kanyang mga katulong sa bahay nitong Valentine’s Day.

Sa video na binahagi ng isa sa kanyang mga kasambahay sa Instagram, makikita ang reaksiyon ng aktres sa sorpresa sa kanya.

Makikita sa video ang pagpasok ng mga kasambahay na may dalang cake, balloons, at bulaklak sa kwarto ni Bea kung saan inabutan nila itong nagpapahinga.

Hindi naitago ng aktres ang pagka-sorpresa at makikitang na-touch ito sa kanyang mga kasambahay.

“We love you always Tisay. Happy Valentine’s,” sambit ng kasambahay sa caption ng video post.

Kamakailan ay kinumpirma ni Bea ang hiwalayan nila ng kanyang long-time boyfriend na si Dominic Roque.