Away sa lupa! Lalaki, pinugutan hipag sa CamSur

Nang dahil sa agawan sa lupa ay nagawang pugutan ng isang lalaki ang kanyang hipag sa Goa, Camarines Sur noong Sabado.

Kinilala ng Police Regional Office-5 ang suspek bilang si Joselito Panuelos, 44, habang kinilala naman ang biktima sa pangalang Rebecca, 54-anyos.

Batay sa imbestigasyon, nililinis ni Rebecca ang palaisdaan na sakop ng pinag-aagawang lupa nang dumating si Panuelos. Dala umano ni Panuelos ang isang bolo na kanyang ginamit para pugutan ng ulo ang biktima.

Hinagis pa umano ni Panuelos ang ulo ni Rebecca matapos niya itong pugutan.

Sumuko naman ang suspek sa pulisya at ngayo’y nahaharap sa kasong murder.