Avril Lavigne, Ellie Goulding kasama si Heart Evangelista umawra sa ‘Paris Fashion Week’

Bongga ang padalo ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week dahil nakasama nito ang dalawang sikat na icon na sina Avril Lavigne at Ellie Goulding.

Bongga ang padalo ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week dahil nakasama nito ang dalawang sikat na icon na sina Avril Lavigne at Ellie Goulding.

Sa Instagram story, ibinahagi ni Heart ang maikling video kung saan makikita na katabi niya lang sina Avril at Ellie.

Dito ay enjoy na enjoy ang tatlo sa pananonood ng fashion show para sa luxury brand na Tamara Ralph.

Samantala, marami ang humanga sa ganda ni Heart suot ang gold rose metal at crystal top na binagayan niya ng long black pencil skirt. Ang naturang outfit ay mula sa disenyo ni Tamara Ralph Couture.

TINGNAN: