AVC Challenge Cup: Alas Pilipinas pinataob India, solo na sa tuktok!

Pinamalas ng Alas Pilipinas ang lakas ng mga Pinay matapos na ibigay ang unang talo ng India sa 2024 AVC Challenge Cup for Women sa Rizal Memorial Coliseum nitong Biyernes.

Pinamalas ng Alas Pilipinas ang lakas ng mga Pinay matapos na ibigay ang unang talo ng India sa 2024 AVC Challenge Cup for Women sa Rizal Memorial Coliseum nitong Biyernes.

Matapos na matalo sa unang set, matindi ang naging bawi ng PH volleybelles nang kubrahin ang tatlong magkakasunod na set laban sa India, 22-25, 25-21, 25-17, 25-18.

Sa fourth set, nakadikit ang India, 19-17, bago umarangkada ang DLSU spiker na si Angel Canino para tuluyang pabagsakin ang India.

Dahil sa panalo, angat ang Pilipinas sa 2-0 win-loss record, ang natatanging koponan sa Pool A na wala pang talo.

Susubukan ng Alas na mapanitili ang busilak na record sa kanilang pagharap sa Iran sa Sabado, 7 pm.

Kung sakaling maipanalo ng Pilipinas ang kanilang laban kontra Iran, makakaabante na sila sa semifinals ng torneo.