Australian PM: Isulong ang pagpapanatili ng soberenya ng mga bansa sa East Asia

Makakaasa ang Australia ang Pilipinas sa suporta tungo sa pagpapanatili ng soberenya ng bansa sa rehiyon.

Nangako si Australian Prime Minister Anthony Albanese na patuloy makikipagugnayan at tulungan ang kanyang bansa sa Pilipinas sa pagpapanatili ng rehiyon na naninindigan para sa soberenya.

“Australia’s working with our partners, including, of course, the Philippines, to shape a region where sovereignty is upheld, and economic cooperation is underpinned by international rules-based trade, a region that is open, stable, and prosperous with ASEAN at its center,” sinabi ni Albanese, na nagtungo sa Palasyo ngayong araw, Setyembre 8, para sa isang pulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Our economic future is also with Southeast Asia, and we’re determined to grow trade and investment for our shared economic prosperity,” dagdag pa ng Prime Minister.

Binanggit rin ni Albanese na sa katatapos lang na East Asia Summit sa Jakarta, isinulong niya ang Australia-Southeast Asia economic strategy hanggang 2040, na naglalayong palakasin pa ang pamumuhunan at pagkikipagpalit ng kalakal.

Para sa Pilipinas, nakikita ni Albanese na makakatulong ang kanyang bansa sa apat na sektor na ito: agrikultura, edukasyon, natural na yaman, at transition sa green energy.

“And today, we’ve had a constructive discussion about how that can occur. Australia is ambitious for what we can achieve with the Philippines and with the region,” Albanese said.

Nilagdaan rin ng mga opisyal ang Joint Declaration on a Strategic Partnership, na naglalayon pagyamanin pa ang relasyon ng dalawang bansa.