Australian national himas rehas sa panghahalay

Arestado ang isang Australian national, na nakatira sa Bulacan, dahil sa kasong panghahalay, ayon sa ulat ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes.

Arestado ang isang Australian national, na nakatira sa Bulacan, dahil sa kasong panghahalay, ayon sa ulat ng Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes.

Ayon sa awtoridad, nagsimulang manirahan sa Pilipinas si Cole noong 2011 sa pamamagitan ng special resident retirement visa.

Base sa salaysay ng biktima, si Cole ang may-ari ng kanyang tinitirhang bahay sa Bulacan. Inabutan umano siya nito ng gamot nang magkasakit siya noong Enero.

Matapos inumin ang gamot ay doon na siya nakaramdam ng pagkamanhid at panghihina, kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na gahasain siya.

Naulit ang pang-aabuso na hindi kukulangin sa tatlong beses sa isang linggo. Subalita itinanggi naman ni Cole ang akusasyon.