Attitude yarn? Vietnamese arestado sa pagwawala sa NAIA

Kalaboso ang isang babaeng Vietnamese national dahil sa pagpapakita nito ng 'unruly behavior' sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Hulyo 1.

Kalaboso ang isang babaeng Vietnamese national dahil sa pagpapakita nito ng ‘unruly behavior’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Hulyo 1.

Ayon sa Bureau of Immigration, ang Vietnamese na si Ban Thi Van, 19, ay pasakay ng Cebu Pacific Air flight patungong Hanoi.

Nang nagsasagawa na umano ng inspeksyon sa kanyang gamit, bigla niyang binawi at hinablot ang kanyang passport mula sa immigration officer.

Dito ay bigla na lang umano siyang nagsisigaw at nagwala sa sahig ng naturang airport. Bukod pa riyan, nag-live rin umano ang babae sa kanyang social media.

Dahil sa eskandalo ay agad na humingi ng saklolo ang mga opisyal sa border control and intelligence unit, airport police at aviation security group ng Philippine National Police.

Samantala, dinala na si Ban sa head office ng BI sa Intramuros para sa inquest proceedings, at kalaunan ay inilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang hinihintay ang kanyang deportasyon.