Atom Araullo inamin na bakit ‘di nagka-jowa nu’ng college!

Hindi nahiya si Atom Araullo na amining siya ay torpe.

Hindi nahiya si Atom Araullo na amining siya ay torpe.

“Torpe, e. ‘Yong ano, ‘yong half ligaw, kunwari hindi talaga ligaw. Pero ‘yon na rin ‘yon,” saad ni Atom sa podcast ni Pia Arcangel.

Aniya, dahil sa pagka-torpe niya ay hindi siya nagkaroon ng jowa noong siya ay nasa kolehiyo.

“Ako guilty dyan, e. Guilty as charged. Especially when I was a lot younger in college,” kwento ni Atom.

“At the same time, parang, dami ko rin ng mga ibang ginagawa e… Wala rin ako masyadong idle time. So, okay lang,” dagdag pa ng Kapuso broadcaster.

Bukod sa pagiging torpe, abala rin umano si Atom sa kanyang pag-aaral kaya hindi siya nagkaroon ng buhay pag-ibig noong kolehiyo.

Taong 2022 naman nang kumalat ang intriga tungkol kay Atom at kay Zen Hernandez dahil sa ilang social media post na magkasama silang dalawa.