‘Atin Ito’ convoy nalusutan China, nakapasok sa Scarborough Shoal!

Tuloy ang misyon ng "Atin Ito" Coalition matapos na makalampas sa dalawang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na humarang sa nasabing convoy sa gitna ng paglalayag nito patungong West Philippine Sea (WPS).

Tuloy ang misyon ng “Atin Ito” Coalition matapos na makalampas sa dalawang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na humarang sa nasabing convoy sa gitna ng paglalayag nito patungong West Philippine Sea (WPS).

Kinumpirma ito ni ‘Atin Ito’ convenor at Akbayan president Rafaela David nitong Huwebes ng umaga, May 16.

“Despite China’s massive blockade, we managed to breach their illegal blockade, reaching Bajo de Masinloc to support our fishers with essential supplies. Mission accomplished!” ani David.

Dagdag niya, “This stands as a testament to the ingenuity, resourcefulness and bravery of the Filipino spirit amidst formidable challenges,”

Layunin ng coalition na may lulang mga volunteers, journalists at mga mangingisda na suportahan ang mga kapwa Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal, na kilala ring Scarborough Shoal, at sa Bajo de Masinloc na patuloy na ginigipit ng CCG sa lugar.

Maliban sa pagbibigay suplay sa lugar, naglatag ang grupo ng isang dosenang orange buoys na may nakalagay na “WPS ATIN ITO.”

Samantala, mariing kinondena ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wengbin ang isinagawang aktibidad ng coalition WPS.

“If the Philippines abuses China’s goodwill and infringes upon China’s territorial sovereignty and jurisdiction, we will defend our rights and take countermeasures in accordance with the law,” aniya.