Ate, tinalikuran sariling pangarap, nakapagpatapos ng 4 kapatid

Nagbigay-inspirasyon at good vibes sa maraming tao ang kuwento ni Abegail Ida, panganay na anak, nang mapagtapos nya ang kaniyang apat na kapatid kahit na siya mismo ay tinalikuran ang mga pangarap at pag-aaral.

Nagbigay-inspirasyon at good vibes sa maraming tao ang kuwento ni Abegail Ida, panganay na anak, nang mapagtapos nya ang kaniyang apat na kapatid kahit na siya mismo ay tinalikuran ang mga pangarap at pag-aaral.

Sa isang nagviral na video sa TikTok ni Abby, ikinwento nya na huminto siya sa pag-aaral upang makapagtrabaho at makatulong sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid.

Kwento ni Abby, hiwalay raw ang kaniya mga magulang, at dahil sa walang suportang nakukuha mula sa kanyang ama, habang ang kanyang nanay naman ay nagaalaga sa kanyang lola, 19 years old pa lamang ay breadwinner na sya ng pamilya.

β€œI-congratulate nyo din kaming tinalikuran ang pag
aaral para maghanapbuhay at mapatapos ang mga kapatid Finally! Graduate na din ako this year sa tuition at allowance πŸ₯°β€ sey ni Abby sa caption.

Pagmamalaki ni Abby “Ok lang kahit di nakasabit picture ko jan. Masaya ako na nakatapos silang lahat,”

Para kay Abby “worth it” ang lahat ng hamon at hirap na kinaharap nya dahil siya ay naging mas matatag at nabibiyan ng mga ganito umanonh blessings.

β€œHiwalay parents namin. No support from our father. Mama ko naman sa bahay lang nag aalaga ng lola ko. As in at the age of 19, ako lang nag eearn sa fam namin. Grabe ang challenges at paghihirap pero lahat ng yun worth it dahil di ako magiging matatag kung di ko naranasan yun. AT, GRABE ANG BLESSINGS KO NOW. NAG UUMAPAW! THANKS G!” masayang sinabi ni Abby.

β€œI AM SO PROUD OF MYSELF! Pano ko ba ginawa yon πŸ₯Ήβ€ ani Abby sa kanyang TikTok Video.

Maraming netizen ang naantig at inspirado sa kuwento ni Abby, at nagpayo na kumuha siya ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) upang maituloy ang kaniyang naudlot na pag-aaral.

PANOORIN:

@abegailida Ok lang kahit di nakasabit picture ko jan. Masaya ako na nakatapos silang lahat. I started working when I was 19. Nakaraos din πŸ₯° Hiwalay parents namin. No support from our father. Mama ko naman sa bahay lang nag aalaga ng lola ko. As in at the age of 19, ako lang nag eearn sa fam namin. Grabe ang challenges at paghihirap pero lahat ng yun worth it dahil di ako magiging matatag kung di ko naranasan yun. AT, GRABE ANG BLESSINGS KO NOW. NAG UUMAPAW! THANKS G! #graduation ♬ original sound – π™π™£π™ π™£π™€π™¬π™£π€πŒβ€βƒπŸŽŸ