‘Asynchronus’ na klase ipapatupad Abril 15-16 – DepEd

Ipatutupad sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang asynchronus o distance learning sa darating na Abril 15 at 16.

Ipatutupad sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang asynchronus o distance learning sa darating na Abril 15 at 16.

Ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd), magbibigay ito ng daan sa mga estudyante na matapos ang kanilang mga asignatura, projects, at iba pang requirements sa klase.

Mga ang mga teaching at non-teaching personnel ay hindi rin umano kinakailangan na pumasok sa paaralan.

“In order to allow learners to complete pending assignments, projects, and other requirements as the end of school year is fast-approaching, all public schools nationwide shall implement asynchronous/distance learning on April 15-16, 2024,” saad ng DepEd.

“Likewise, teaching and non-teaching personnel in all public schools shall not be required to report to their stations,” dagdag pa ng ahensya.

Samantala, ang mga pribadong paaralan ay maaring mamili kung distance learning or face-to-face pa rin ang kanilang klase.