Assistant SolGen sibak sa reklamong sexual harassment

Sinibak sa pwesto bilang Assistant Solicitor General si Derek Puertollano kaugnay ng reklamong sexual harassment na inihain ng mga dati niyang legal intern.

Sinibak sa pwesto bilang Assistant Solicitor General si Derek Puertollano kaugnay ng reklamong sexual harassment na inihain ng mga dati niyang legal intern.

Kinumpirma ito ni Solicitor General Menardo Guevarra, ayon sa ulat ng news site na Politiko.

Ayon sa mga report, ang mga dating legal intern ay diumano’y hinipuan ni Puertollano sa magkakahiwalay na insidente.

Ang isa sa mga biktima ay hinipuan umano ni Puertollano sa hita habang ang isa nama’y hinawakan niya ang sa puwet.

Bukod pa rito, inaakusahan din si Puertollano ng pangmamanyak sa Office of the Solicitor General sa Makati City. Ugali umano niya na magkomento tungkol sa pangangatawan ng isang tao at manghipo sa bandang singit.

“After a careful examination of the evidence presented, it is found that there is substantial evidence to hold Puertollano guilty for the offenses he was charged with,” saad sa pahayag ng Office of the President.