Asong pinana sa ulo, nasagip sa Albay

Nasa maayos ng kalagayan ang asong pinana sa ulo sa Puro, Legazpi City, Albay kamakailan.

Nasa maayos ng kalagayan ang asong pinana sa ulo sa Puro, Legazpi City, Albay kamakailan.

Ang aso ay sumailalim sa matagumpay na operasyon. Siya ay nasagip ng Albay Animal Rescue and Adoption (AARA).

Pinangalanan naman ang aso bilang si ‘Arrow.’

Sa kabila ng sinapit, hindi naman tinamaan ang bungo ni ‘Arrow’ kaya’t nakaligtas ang aso sa komplikasyon.

Ayon kay Argiel Belga ng AARA, dahil sa nangyari ay takot nang makisalamuha sa tao si ‘Arrow.’

Samantala, pinaniniwalaan namang dayo lang sa Barangay Puro si ‘Arrow’ dahil hanggang ngayon ay walang umaako sa kanya.

Nasa 25 aso at ilang mga pusa ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng AARA.