Asong naka-graduate ‘with highest honor’ viral

Kinagiliwan sa social media ang video ng isang aso na tumanggap ng medalya matapos itong makapagtapos with highest honor.

Kinagiliwan sa social media ang video ng isang aso na tumanggap ng medalya matapos itong makapagtapos with highest honor.

Sa Facebook reels na ibinahagi ni Edlyn Dela Pena, mapapanood ang pag-akyat ng aso na si Agap sa entablado para sabitan ng medalya.

Makikita naman na masayang sinabitan ng kanyang amo na si Lilet Añora ang aso.

Bukod sa honor ay pinangaralan din ang aso para sa kanyang perfect attendance.

Marami naman sa mga netizen ang natuwa sa good vibes na hatid ng video at ng aso. Narito ang kanilang reaksyon.

“Congrats Agap!!Salamat sa teacher na may malasakit sa mga hayop! Teacher Lilet Añora.”

“Love this! Proud mama congratulations Agap.”

“Wow mabuti pa yong aso my [medal emoji.”

PANOORIN:

#image_title