Aso pinatay, sinilid sa sako: Netizen humiling ng hustisya!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang golden retriever matapos itong patayin ng isang lalaki at isinilid pa sa isang sako.

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang golden retriever matapos itong patayin ng isang lalaki at isinilid pa sa isang sako.

Mismong ang amo ng aso na si Vina Rachelle ang nagbahagi ng kwento ng kanyang aso na si ‘Killua’.

Ayon kay Vina Rachelle, natagpuan na lang nila ang bangkay ni Killua sa isang sako. Pinuntahan pa nila ang mismong suspek para lamang makuha ang katawan ni Killua.

Samantala, isang netizen sa X (dating Twitter) ang nagbunyag na ang pangalan ng pumatay kay Killua ay nagngangalang Anthony Solares.

Nag-post din umano si Solares sa Facebook para idepensa ang kanyang ginawa. Aniya, tinangkang kagatin ng golden retriever ang kanyang anak.

Gayunman, nanindigan si Vina Rachelle na hindi sapat ang rason ni Solares para patayin ang kanyang alaga.

“If nangagat man, it is not enough reason to kill my pet. He was asking for apology, but no sorry could ever replace my baby,” saad niya sa kanyang post.

Kalat na sa social media ang unang post ni Vina Rachelle, kung saan nakahakot na ito ng mahigit 118,000 shares.