Aso, binuwis buhay para maligtas amo sa cobra

Bayani ang turing sa isang aso sa Panabo, Davao matapos niyang ibuwis ang kanyang buhay para iligtas ang kanyang amo.

Bayani ang turing sa isang aso sa Panabo, Davao matapos niyang ibuwis ang kanyang buhay para iligtas ang kanyang amo.

Sa Facebook post ni Cindy Sandigan, makikita ang kanyang Belgian Malinois na si Yugo na wala nang buhay.

Kalapit ni Yugo ay isang cobra na putol na ang katawan.

Ayon sa mga amo ni Yugo, hindi ito ang unang beses na niligtas ng kanilang alagang aso ang buhay nila laban sa ahas.

Ito na umano ang ikatlong beses na tinaboy ni Yugo ang umaaligid na ahas sa kanilang tahanan.

Naiwan ni Yugo ang kanyang partner na si Ally na nagdadalang-tao.