‘Asa camera na kayo! P100-M na halaga ng CCTV ikakabit na sa New Bilibid Prison

Matutuloy na ang pagkakabit ng Bureau of Corrections ng mga CCTV camera sa New Bilibid Prison matapos itong mabigyan ng P100 milyong budget. Ito ay makakatulong upang mas ma-monitor ang mga akitibidad ng persons deprived of liberty.

Nakatakda nang magkabit ng mga closed-circuit television (CCTV) camera sa New Bilibid Prison (NBP) upang mas masubaybayan ng mga kinauukulang ang mga pangyayari sa loob nito.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gen. Gregorio Catapang Jr. tinatayang nasa P100 milyong halaga ng CCTV camera ang ilalagay sa NBP sa Muntinlupa City sa taong 2024 para mabisang masubaybayan ang mga aktibidad ng mga person deprived of liberty (PDLs).

Pinaliwanag rin ni Catapang na nagsimula na ang BuCor na maglagay ng mga CCTV sa subalit paulit-ulit itong naaantala dahil ” kulang po ‘yung budget.”

“Next year, meron tayong budget na P100 million para lang maglagay ng CCTV sa bawat kubol o silid,” dagdag pa ni Catapang.

Dagdag pa niya, ipinag-utos rin ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagtatangol ng mga dingding ng mga kubol sa NBP upang mas ma-monitor ang mga aktibidad ng mga PDL.

“Ngayon kitang-kita po sila kung nagsusugal, nag-i-illegal activities, or nagda-drugs [sila],” pahayag pa ni Catapang.